GINANG GINAWANG SEX SLAVE, BINATA TIMBOG SA PNP-ACG

LAGUNA – Kalaboso ang isang 21-anyos na binata sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng PNP-Anti Cybercrime Group, matapos gawing sex slave ang isang 38-anyos na ginang na kanyang nakarelasyon sa San Pablo City.

Ayon kay Lt. Wallen Arancillo, tagapagsalita ng PNP-ACG, nagkaroon ng relasyon ang suspek na 21-anyos na binata at 38-anyos na ginang ng halos dalawang taon.

Batay sa salaysay ni alyas “Chay”, may asawa, hindi pa rin siya tinatantanan ng suspek na si alyas “Cortez”.

Kapag hindi raw siya pumayag na makipagkita at tumanggi sa sex ay tinatakot siya na ipadadala sa kanyang mister ang maseselan nilang mga litrato at bidyo.

Bunsod nito, lumapit ang biktima sa PNP-ACG Regional Anti-Cybercrime Unit 4A at humingi ng tulong dahilan upang ikasa ang entrapment operation.

Hindi nakapalag ang suspek nang damputin ng mga tauhan ng PNP-ACG Anti-Crime Unit 4A sa isang motel na madalas nilang pinapasukan sa nasabing lugar.

(TOTO NABAJA)

115

Related posts

Leave a Comment