NATIMBOG sa inilatag na buy-bust operation ang isang 41-anyos na ginang malapit sa kanyang tirahan sa Quiapo, Manila noong Biyernes ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Jalila Banggolo y Ayob, residente ng Barangay 384, Quiapo, Manila.
Batay sa ulat ni P/Capt. Gil John Lobaton, hepe ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District-Station 14, bandang alas-10:45 ng gabi noong Marso 12 nang isagawa ang buy-bust operation sa R. Hidalgo St. malapit sa Elizondo St. sa Quiapo.
Sa pamamagitan ng isang ‘asset’, nakipagtransaksyon ang isang poseur buyer at bumili ng P300 halaga ng umano’y shabu sa suspek.
At nang magkaabutan ng droga ay dinamba ang mga awtoridad ang suspek na nakumpiskahan ng limang sachet ng umano’y shabu na P34,000 ang halaga. (RENE CRISOSTOMO)
308 