GIRAY DRUG GROUP MEMBER, LAGLAG SA PNP-PRO5

ARESTADO ang isang baguhang miyembro ng Giray drug group sa inilunsad na anti-narcotics operation ng PNP-Police Regional Office 5 kahapon sa Brgy. Bolo, Matnog, Sorsogon.

Ayon sa isinumiteng report ng Sorsogon Police Provincial Office kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang suspek na si Freddie Garel Givero, 49, may asawa at residente ng Brgy. Culasi, Matnog, Sorsogon.

Bukod sa pagiging miyembro ng nabanggit na drug group, ang suspek ay kabilang sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs sa Bicol.

Nakumpiska mula kay Givero ang dalawang pakete ng selyadong plastic ng ilegal na droga.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, tatlong umano’y tulak ang nahulihan ng P105,000 halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng probinsya ng Camarines Sur.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon noong ika-11 ng Enero 2022 sa Brgy. San Miguel, Calabanga, Camarines Sur, nalaglag sa bitag ng pinagsamang mga operatiba ng PNP-PRO5 at PDEA ROV ang suspek na kinilalang si Norberto Elopre y Sergio, 36, nanunungkulan bilang Non-Uniformed Personnel (NUP) ng Magarao MPS.

Nakuha sa suspek ang apat na sachet ng umano’u shabu na may timbang na 7 gramo at tinatayang P47,600 ang halaga.

Habang madaling araw naman noong Enero 12, 2022 nang masakote ng mga tauhan ng MDEU, Pili MPS at PIU ng Camarines Sur Police Provincial Office ang dalawa pang tulak na sina Ramero Bea y Belmes, 59, at Manrick Luna y Palibino, 32-anyos.

Nakumpiska sa dalawa ang anim na sachet ng umano’y shabu na tinatayang P58,000 ang halaga.

Dagdag pa rito ang isa pang plastic ng umano’y marijuana na P500 ang halaga. (JESSE KABEL)

378

Related posts

Leave a Comment