GO NAGPASALAMAT SA PAGPASA NG 13 LOCAL HOSPITAL BILLS

PINASALAMATAN ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Lawrence “Bong ” Go ang liderato ng Senado at  lahat ng senador matapos makapasa ang tinawag niyang “much-needed upgrade” sa healthcare facilities ng bansa na nakapaloob sa 13 local hospital bills.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Go na labis siyang nagpapasalamat sa majority at minority dahil sa botong 23-0 (pabor), nagbunga ang kanyang pagsisikap na maisulong ang mga panukala na naglalayong ma-improve, madevelop at ma-establish ang public hospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Ayon kay Go, maliban kay Senate Majority leader Migz Zubiri, pinasasalamatan din niya si Minority leader Franklin Drilon sa pagtulong at sa pagpapaalala nito sa issue ng “devolution of health services”.

Inihayag ni Go na batid niyang pareho sila ng Minority leader na passionate sa pagnanais na magkaroon ng mas mabuting buhay ang mga Pilipino.

Kabilang sa mga measures na ito ang pagpapataas sa bed capacity ng Lying-in clinic sa Rizal Palawan; Naguillan District Hospital sa La Union;  Rosario District Hospital sa La Union; Sinait District Hospital sa Sinait Ilocos Sur; East Avenue Medical Center  sa Quezon city at  ang Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center sa Misamis Occidental.

Kasama din sa naipasang  bills sa ikalawang pagbasa  ang  pagtatayo ng  Bacolod city General Hospital sa Bacolod Negros Occidental;  Eastern Pangasinan Regional Medical and Trauma Center sa Rosales Pangasinan; Davao  Occidental General Hospital  sa Malita Davao Occidental at ang Neptali Gonzales Hospital sa Mandaluyong city.

Nakasaad din sa panukala na sasailalim sa conversion ang Merdina Extension Hospital sa Medina Misamis Oriental patungong General hospital at ang Schistosomiasis Control and Research Hospital patungong Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital  habang patataasin din ang bed capacity   ng Eastern Visayas Regional Medical  Center sa Tacloban City.

Una nang iginiit ni Go na mahalaga ang pagpapabuti sa healthcare facilities ng bansa lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. (ESTONG REYES)

166

Related posts

Leave a Comment