PINAGLALATAG ni Senador Bam Aquino ang pamahalaan ng mekanismo para matiyak ang kaligtasan, proteksyon at kahandaan sa repatriation ng mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan.
Sa Senate Resolution 321, binigyang-diin ni Aquino ang bigat at panganib na madamay ang mga Pilipino sa mga conflict-affected areas sa Gitnang Silangan matapos ang pagkasawi ng Pinay caregiver na si Mary Ann de Vera sa Tel Aviv, Israel.
Binigyang-diin ni Aquino na ang kawalan ng katatagan ay banta sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa lumalawak na saklaw ng mga attacks na nakaapekto na sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino doon.
Kailangan anya ang mabilis na pagkilos upang matiyak na nakapwesto na ang pag-monitor, pagtulong, evacuation at repatriation ng mga kababayan kung kinakailangan.
Kabilang sa dapat mapaghandaan ang pre-identification ng evacuation corridors, transport contracting, contingency shelters at close coordination sa mga hosts governments ng mga bansang apektado ng krisis.
Umapela rin ang senador na magbigay ang pamahalaan ng welfare at legal assistance tulad ng tulong pinansyal, emergency livelihood support, psychosocial services, at reintegration para sa ligtas na pagbabalik.
(DANG SAMSON-GARCIA)
68 