Gov. Remulla walang sinasanto sa paglabag sa ‘Q-pass’ SM CAVITE IPINASARA

INIUTOS ni Cavite Governor Jonvic Remulla nitong Biyernes ang pagsuspende sa operasyon ng SM City Trece Martires dahil sa paglabag sa quarantine pass policy ng lalawigan.

Sa pahayag sa kanyang official Facebook page, sinabi ni Remulla na ang provincial police officers ay nagsagawa ng undercover operation sa Cavite malls noong Hulyo 22 upang mabatid kung sinusunod ng nasabing mga establisimiyento ang regulasyon ng lalawigan
kugnay sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19.

Dagdag ng Cavite governor, nakatanggap siya ng video na nagpapakita ng ‘non-compliance’ ng mall sa Trece Martires City, sa quarantine pass policy ng provincial government.

Gayunman, hindi idinetalye ni Remulla kung paano nilabag ng mall ang Q-Pass System rule.

“Guidelines are meant to put order into controlling the pandemic situation. For those who think that the worst is over, you are mistaken,” pahayag ni Remulla.

Sa Q-Pass System policy, ang mga residente ng lalawigan ay dapat mayroong quarantine pass sa paglabas sa kanilang bahay para bumili ng pangunahing mga pangangailangan.

Alinsunod sa pinaluwag na quarantine measures sa bansa, nagpatupad ang Cavite provincial government ng modified Q-Pass System policy noong Hunyo 7 na kung saan ang quarantine pass ay maaaring ipasa sa ibang qualified, legal-aged members ng pamilya.

Ang mga residente ay pinayuhan din na magdala ng identification card upang patunayan na miyembro siya ng household.

Wala pang ibinibigay na pahayag ang mall management hinggil sa utos ng gobernador.

157

Related posts

Leave a Comment