GRABE KA BT

DPA

NABIGLA lahat sa pag-alburuto ni BT as in Bulkang Taal dahil walang nag-aakala na sasabog ang bulkang ito ng ganoong kabilis na pumuwerhuwisyo, hindi lamang sa lalawigan ng Batangas kundi sa mga karatig lugar kasama na ang Metro Manila.

Sana walang magsisihan dahil sa tingin naman nating lahat ay biglaan ang pagsabog ni BT na ayon nga sa mga Batangueno ay parang bata na hindi alam kung kailan su-sumpungin.

Kahit ang Local Governent Units (LUGs) sa Batangas ay nagulat sa biglang pagsab-og  ni BT dahil maging ang Philvocs ay mistulang nataranta sa bilis ng pangyayari kaya mula sa level 3 at biglang itinaas ang alert level sa level 4.

Tiyak na mayroong mga kontrabida na magsasabi ng kesyo bakit hindi ito pinaghan-daan disin sana ay nakalikas nang maaga ang mga mamamayan na malapit kay BT.

Tulad ng sabi ko, walang nag-aakala na ganoong kabilis ang pagsabog ni BT at sa bi-lis ng pangyayari, hindi talaga napaghandaan. Pasalamat na lang tayo na walang casualties sa kalamidad na ito.

Kailangan lang tayong magtulungan para maalalayan ang mga mamamayan na apektado sa pagsabog ni BT at madala sila sa mga ligtas na lugar lalo na’t hindi pa nangyayari ang inaantabayanang major eruption.

Dapat din tayong mana-langin na kumalma at huwag nang tuluyang sumabog si BT upang hindi na magkaroon pa ng matinding pinsala sa mga ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga taong malapit sa bulkang ito.

Kung itong unang pagsabog ay naaapektuhan ang maraming lalawigan at umabot sa Central Luzon hanggang Northern Luzon ang ashfall, paano na lamang kung magka-roon ng major eruption?

Kung ang pagsabog na ito ay naging dahilan para suspendehin ang trabaho at pasok sa mga paalaran dahil sa banta sa kalusugan ng abong ibinuga ni BT, paano na lamang kung magkaroon ng mas malaking pagsabog?

Dahil sa kalamidad na ito, tiyak din na iaarangkada ng Kongreso ang panukalang itayo ang Department of Disaster na siyang mangagansiwa sa lahat ng bagay pag-dating sa natural at man made calamity.

Nakapasa na sa Kamara ang panukalang ito at inaantay na lamang ang bersyon dito ng mga senador para tuluyang maitatag ang departamentong ito lalo na’t sunod-sunod ang kalamidad na nangyayari sa ating bansa.

Sa ngayon kasi, may kanya-kanyang papel ang mga ahensya ng gobyerno sa pag-tugon sa man-made at natural calamity na gustong pag-isahin na lamang para isang ahensya na lang ang kikilos at magkaroon ng responsibilidad sa pagtulong sa mga biktima ng kalamdidad. Lord maawa ka po sa amin. (DPA / Bernard Taguinod)

159

Related posts

Leave a Comment