KUNG mayroong siga sa Commission on Elections (Comelec), walang iba kundi si Commissioner Rowena Guazon, ayon sa isang pirmadong dokumentong ipinadala ng isa pang komisyonado sa tanggapan ni Comelec Chairman Shariff Abas.
Sa dalawang pahinang liham, nanindigan si Commissioner Aimee Ferolino laban sa paratang ni Guanzon na aniya’y siyang may bulilyasong ginagawa bago pa man ang eskandalo kaugnay ng nakabinbing kasong diskwalipikasyon laban kay dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa nalalapit na presidential derby sa Mayo.
Giit ni Ferolino, nagtakda si Guanzon ng petsa para sa paglabas ng promulgation, nang hindi man lang kinokonsulta ang iba pang miyembro ng Comelec First Division.
“I truthfully say that there was no internal agreement between and among the First Division Commissioners that the promulgation of the resolution on the Marcos case is set on January 17, 2022.
It was the Presiding Commissioner (Guanzon) who set the date and imposed the same upon me and Commissioner Marlon Casquejo,” ani Ferolino.
Binigyang diin pa niyang siya pa nga umano ang binabarako ni Guanzon. Aniya, pinagpipilitan ni Guanzon na gamitin na lamang ang nakahandang opinyon kaugnay ng nakabinbing kaso. Ang nakakapagtaka pa aniya ay nagawang bumalangkas ng opinyon si Guanzon gayong wala pa naman umanong isinumiteng resolusyon ang itinalagang ponente.
Karaniwang inihahain lamang ang opinyon pagkatapos ilabas ang resolusyon.
“She consistently took liberties in telling me to adopt her opinion. It’s quite appalling that Commissioner Guanzon was able to draft an opinion when the Ponencia has not yet submitted the resolution and all the case records are in my possession. She even used a Memorandum incorporating her separate opinion on a resolution that is yet to be released,” dagdag pa ni Ferolino.
Hindi rin pinalagpas ni Ferolino ang pagkakataong suklian ng patutsada si Guanzon sa aniya’y maling akusasyong hindi lamang nagbibigay kahihiyan sa buong komisyon, kundi batik sa integridad ng nalalapit na halalan sa Mayo.
“The Presiding Commissioner of the First Division is putting the cart before the horse just to justify her demands. In doing so, one thing is clear to me – she is trying to influence my decision and trying hard to persuade me to her direction. But I am not like her, not even close. I did not read her separate opinion as I do not want my judgment to be influenced by her opinion nor other people’s opinion,” matapang na pahayag ni Ferolino. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
319 