GUN OWNERS BINALAAN SA INDISCRIMINATE FIRING NGAYONG HOLIDAY SEASON

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan at may-ari ng lisensyadong baril laban sa pagpapaputok ng baril ngayong holiday season.

Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., maaring harapin ang kaukulang parusa ang sinumang mapapatunayang sangkot sa indiscriminate firing. “Ang pagkakaroon ng lisensyadong baril ay may kaakibat na responsibilidad—tama ang pagtatago, may self-control, at mahigpit na pagtupad sa batas,” ani Nartatez.

Nauna nang ipinatupad ang one strike policy sa hanay ng PNP bilang bahagi ng pinaigting na hakbang sa seguridad para sa Kapaskuhan. Kasama rito ang pananagutan ng mga Chief of Police sa kanilang nasasakupan kung may maitatalang kaso ng tiwaling pulis o indiscriminate firing.

Binigyan ng 36 na oras ang lahat ng commanders upang resolbahin ang anumang naiulat na kaso ng iregularidad. Kapag napatunayang may pagkukulang, posibleng masibak sa puwesto at harapin ang kasong administratibo.

(TOTO NABAJA)

96

Related posts

Leave a Comment