HINDI nakapalag ang suspek sa gunrunning activities sa Guadalupe Viejo, Makati City nang dambahin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa tinutuluyang entreswelo sa Laperal Compound dakong alas-9:40 gabi noong Biyernes.
Ayon sa ulat, ilang minutong naghintay ang mga operatiba, may 100 metro ang layo mula sa entreswelo ng suspek, sa senyas ng police poseur buyer.
Nang mag-miss call ang police poseur buyer sa mga kasamang operatiba ng CIDG RGU NCR bilang hudyat na positibo ang suspek na si Dominic Malate y Gaut alyas “Idong”, sa gunrunning,
sinalakay ng mga operatiba ng CIDG SMMDFU (lead unit), Poblacion Substation Makati CPS at DMFB SPD, ang suspek sa tinutuluyan nitong entreswelo sa #4050 Bernardino Street, Guadalupe Viejo, Makati City.
Nakuha mula sa suspek ang 1 unit improvised caliber 5.56mm rifle (subject of buy-bust), 4 rounds ng live 5.56mm ammunition, 5 piraso ng transparent sachet ng 13 gramo ng shabu na tinatayang P150,000 ang halaga, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay miyembro umano ng Krisostomo criminal group na sangkot sa gun running activities, robbery holdup at drug trade na nag-o-operate sa southern part ng Metro Manila. (DAVE MEDINA)
