GURO PINASASALANG SA REGULAR COVID TEST

MATAPOS masaksihan nitong Lunes ang simula ng pilot implementation ng limited face-to-face classes, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang regular na COVID-19 testing para sa mga guro.

Ipinagpaliban muna ng dalawang paaralan sa Zambales ang pagbubukas ng face-to-face classes matapos magpositibo ang pitong guro sa COVID-19 sa pamamagitan ng rapid antigen kits.
“Dapat pag-isipan din natin ang regular na COVID-19 testing ng mga guro. Pati ‘yung pagpapabakuna nila ay dapat nating tutukan nang mabuti.

Upang mabawasan ang panganib, kailangan natin ng testing. Kaya dapat mapondohan ang testing ng mga teachers at kung may nagpositibo man, merong nakahandang suporta para sa kanila,” ani Gatchalian sa

kanyang pagdalaw sa mga paaralang napiling magsagawa ng limited face-to-face classes.

Upang matiyak ang agarang tulong pinansyal sa mga gurong nagpopositibo sa COVID-19, hinimok ng chairman ng Senate committee on basic education, arts and culture ang Department of Education (DepEd) na makipag-ugnayan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa paglikha ng special lane para sa mga guro.

Ayon kay Gatchalian, maiibsan nito ang pasanin ng mga gurong nagpopositibo sa COVID-19 lalo na’t kinailangan muna nilang mag-abono bago makatanggap ng reimbursement mula sa PhilHealth. (ESTONG REYES)

116

Related posts

Leave a Comment