HALOS 11K PULIS IPAKAKALAT SA TRILLION PESO MARCH

MAHIGIT 11,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad sa ikatlong Trillion Peso March ngayong Pebrero.

Ayon kay PNP spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, kabuuang 11,498 pulis ang itatalaga sa Pebrero 22 at Pebrero 25.

Partikular na tututok ang deployment sa EDSA People Power Monument at EDSA Shrine kung saan tinatayang aabot sa 50,000 raliyista ang inaasahang lalahok.

Magpapatupad din ng heightened alert status ang National Capital Region Police Office kahit wala pang namomonitor na banta sa pagtitipon.

Kasado na rin ang security template upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga dadalo sa aktibidad.

(TOTO NABAJA)

13

Related posts

Leave a Comment