WALANG dahilan para ipagpaliban ang face-to-face classes sa Agosto 22 sa kabila ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19.
Ani Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, manageable na ang COVID-19 bagaman sa mga nakaraang araw ay hindi bumababa ng 4,000 ang mga kaso.
Ani Salvana, base sa nakalatag na parameters, mas mababa na ang risk o peligro kung ikukumpara nuong nagsisimula pa lang ang pandemya.
Aniya pa, basta’t mataas ang antas ng pagbabakuna, patuloy ang paggamit ng face mask at sinusunod ang minimum public health standard sa mga eskuwelahan ay kakayaning makapag face-to-face classes.
Tinatayang halos dalawa’t kalahating taon aniyang natengga ang mga bata at batid ng lahat ang naging impact nito subalit iba na aniya ang sitwasyon ngayon kaya’t panahon na para sa pagbabalik eskwela.
“Ngayon, mayroon na tayong bakuna, mayroon na tayong treatment, and it’s harder to justify iyong patuloy na substandard, na hindi talaga face-to-face na school kasi may impact talaga ito downstream. Mas manageable na ang COVID ngayon.
So, within the parameters that we’ve set, I think that the risk naman is much less compared to at the start of the pandemic. And as long as mataas ang antas ng pagbabakuna, patuloy iyong paggamit ng mask at minimum public health standard sa ating mga eskuwelahan, mukhang kakayanin naman at this point,” dagdag na pahayag ni Saldana. (CHRISTIAN DALE)
