HDO HIRIT VS QUIBOLOY

HINILING ng grupo ng kababaihan ang paglalabas ng hold departure order (HDO) laban kay Pastor Apollo Carreon Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC) at mga kapwa nito akusado.

“Welcome” para sa Gabriela party-list ang sex trafficking charges na isinampa ng Amerika laban sa lider ng nasabing sekta na naka-base sa Davao City.

“We in Gabriela Party-list welcome the filing of sex trafficking charges against known Duterte supporter and megachurch leader Pastor Apollo Quiboloy for what are apparently horrendous sexual offenses even on minors,” ayon kay Rep. Arlene Brosas.

Base sa 74 pahinang indictment charge, pinipilit umano ng mga lider ng grupo ni Quiboloy na makipagtalik sa mga babaeng miyembro na edad 14, 15 at 17. Ang mga tatanggi sa kagustuhan ni Quiboloy ay binabantaan ng “eternal damnation” o kapahamakan at kapag tumakas ang mga ito ay tinatakot, hina-harass at inaakusahan ng pagnanakaw.

“We must hold powerful individuals accountable to abuse of authority and sexual violence against women and children,” ayon pa sa mambabatas kaya kailangang makipagtulungan aniya ang gobyerno sa korte sa Amerika.

Si Quiboloy na malapit na kaibigan at supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kilalang maimpluwensya sa bansa at unang inakusahan ng human trafficking sa Amerika.

Bukod sa HDO at pakikipagtulungan sa korte sa Amerika, dapat din umanong tulungan at bigyan ng proteksyon ng gobyerno ang mga biktima ni Quiboloy. (BERNARD TAGUINOD)

197

Related posts

Leave a Comment