HEALTH FACILITIES NG PNP KAPOS NA RIN

NAGHAHANDA ang Philippine National Police sa paglalagay ng karagdagang quarantine facilities dahil kinakapos na umano sila ng paglalagyan sa mga pulis at personnel na tinatamaan ng COVID-19.

Sa pahayag kahapon, sinabi ni PNP Chief Archie Gamboa, “PNP is now preparing for more quarantine centers and testing hub as we improve our healthcare support mechanism for our police frontliners and personnel who are exposed in infections while fulfilling their duties in communities.”

Ayon kay Gamboa, mayroong pitong quarantine at testing hubs na nasa pangangasiwa ng PNP tulad ng Philippine Sports Arena sa Pasig at PICC at Mall of Asia sa lungsod ng Pasay.
Ito ay sa gitna ng datos ng PNP na umaabot na sa mahigit 1,000 ang kanilang mga tauhan na tinamaan ng coronavirus.

Kaugnay nito, mahigpit ang tagubilin ni Gamboa na masusing bantayan ang mga pinatutupad at pinaiiral na health protocol sa mga nabangit sa quarantine fascilities. (JESSE KABEL)

159

Related posts

Leave a Comment