NGAYON ang kasal ni Olympics gold medalist-weightlifter Hidilyn Diaz at kanyang coach na si Julius Naranjo.
Isang taong anibersaryo rin ito ng historic Olympics gold win ni Diaz sa 55-kg. event sa XXXII Games na ginanap sa Tokyo.
Kabilang si dating pangalawang pangulo ng bansa Leni Robredo at Teresita Tan Sy-Coson ng SM Investments Corp. at eight-division world boxing champion Manny Pacquiao, business tycoons Manny V. Pangilinan ng MVP Group at Ramon S. Ang ng San Miguel Corp., sa mga ninang at ninong sa marangyang kasal sa Philippine Military Academy sa Baguio City.
Ilan pa sa mga kilalang personalidad sa kasal ni Hidilyn, isang staff sergeant sa Philippine Air Force, ay sina Philippine Olympic Committee prexy Abraham “Bambol” Tolentino, PBA chair Ricky Vargas, kasama sina Angel Locsin (matron of honor), Judy Anne Santos (principal sponsor), Iza Calzado (bridesmaid), Dr. Vicki Belo (principal sponsor), at ilang matataas na opisyal sa Armed Forces of the Philippines. (EDDIE G. ALINEA)
109