LAGUNA – Isang special team ang binuo ng National Bureau of Investigation upang imbestigahan ang alegasyong sexual, verbal, at emotional abuses sa Philippine High School for the Arts (PHSA) sa lalawigang ito.
Ito ay base sa kautusan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa usapin upang malaman kung sino ang dapat na mapanagot sa insidente.
Ayon kay NBI Officer-In-Charge Medardo de Lemos, pinagre-report ang special team sa loob ng pitong araw.
Sa liham na natanggap ng kanilang tanggapan noong Hulyo 11, 2022, mula sa tanggapan ng Bise-Presidente, hiniling nito na imbestigahan ng itinalagang grupo ang alegasyon at magsumite ng komprehensibong ulat sa lalong madaling panahon.
Iniutos din ng DepEd sa Child Protection Unit at Child Rights Education Desk na magsagawa rin ng parehong imbestigasyon. (CYRILL QUILO)
