(NI JG TUMBADO)
NASA kabuuang 1,388 bilang ng mga indibidwal ang nadakip ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa election gun ban.
Nabatid kay PNP Spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, ang nasabing mga lumabag ay nadakip sa pinaigting na checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa simula ng election period.
Base sa datos ng PNP, may nakumpiskang 21 light weapons, 47 na replica o toy gun, 74 na granada at 364 na IEDs mula noong Jan. 13.
Sinabi ni Banac na mayroon din umanong nakumpiskang 9,037 na mga bala at 9,939 na iba pang deadly weapons gaya ng patalim.
Giit pa ng opisyal na inaasahang lolobo pa ang bilang ng mga lalabag sa gun ban habang papalapit na ang halalan sa May 13 national midterm election.
