TINATAYANG mahigit P10.6 milyon halaga ng marijuana plants ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency sa dalawang araw na operasyon sa Sitios Les-eng at Batangan, Tacadang, Kibungan, Benguet.
Ayon kay PDEA PIO Director Laurefel P. Gabales, sinuyod ng mga operatiba ang 7,150 metro kuwadradong taniman at winasak ang humigit-kumulang 53,650 puno ng marijuana na nilinang sa 15 magkakahiwalay na lugar.
Ang mga halaman ay agad sinunog sa mismong lugar at ibinaon ang mga abo. Wala mang naaresto, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang may-ari ng lupa at ang mga responsable sa ilegal na taniman.
Samantala, iniulat din ng PDEA na may isang private citizen ang kusang nagsuko ng 2.2 kilo ng dried marijuana leaves at buto, marijuana oil, at iba pang ilegal na droga sa Santa Rosa City, Laguna, na may kabuuang halagang mahigit P300,000.
(JESSE RUIZ)
11
