MAGDEDEPLOY ng mga Hijos pulis sa Pista ng Nazareno sa Enero 9, ayon sa pamunuan ng Minor Basilica ng Quiapo.
Sinabi ng Rev. Fr. Robert Arellano, hindi bababa sa 100 pulis at Hijos ang sasama sa prusisyon ng Poong Hesus Nazareno sa Traslacion.
Magsisilbi silang gabay at bantay para maging maayos at ligtas ang pag-usad ng andas ng Nazareno.
Pero nilinaw ng Simbahan na hindi sasalya ng lubid ang mga pulis at hijos, pero sisikapin nilang maging tuwid ang lubid sa pamamagitan ng pagmamaneho sa mga nais humawak o magsalya ng lubid.
Pipigilan din ng mga pulis ang mga menor de edad na humatak sa lubid na kadalasan ay mga nababalian ng buto o nasusugatan base sa mga nangyari sa nagdaang pista ni Jesus Nazareno.
Ayon kay Alex Irasga, adviser ng Nazareno 2026, meron ding pulis sa itaas ng andas, meron ding bantay sa magkabilang gilid at meron ding hijos pulis sa harapan
Bagaman sila ay mga pulis, gagampanan nila ang pagiging hijos.
Ayon Rev. Fr. Arellano, ang mga hijos pulis ay mga matatagal nang deboto kaya’t alam nila ang nararamdaman ng mga kapwa deboto at kanilang mga nais gawin.
May sariling uniform na ipinagawa para sa mga hijos pulis na mula MPD, merong galing Kampo Crame at iba pang police district at regional police office.
(JOCELYN DOMENDEN)
63 