Hiling ng labor coalition sa Kamara WORKERS IPRAYORIDAD ‘WAG CHACHA

UNAHIN at tutukan ng Kamara de Representantes ang hindi mainam na kalagayan ng mga manggagawa imbes na ang pagbabago sa Konstitusyon.

Ito ang panawagan ng NAGKAISA Labor Coalition sa liderato ng Kamara, partikular kay House Speaker Lord Allan Jay Velasco, makaraang aminin ng huli sa media na kagyat na aatupagin at reresolbahin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Resolution of Both House No. 2 (RBH-2) hinggil sa Constitutional Change (Chacha).

Lubos na naniniwala si Velasco na Chacha ang ‘solusyon’ sa paglala ng kahirapan ng mga Filipino mula nang umatake ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa noong 2020.

Layunin ng Chacha na palitan ang probisyon sa Konstitusyon tungkol sa hatiang 60/40 ng mga Filipino at dayuhang kapitalista sa pag-aari ng mga lupa at negosyo sa Pilipinas.

Gusto ng kampo ni Velasco na gawing 100 porsyento na ang puwedeng ariin ng mga dayuhang kapitalista.

Ayon sa tagapangulo ng NAGKAISA na si Atty. Jose Sonny Matula, “Velasco needs to prioritize the passage of the Bayanihan 3 and other measures to help displaced workers and to ease the burden of the COVID-19 pandemic,” sa halip na unahin at pag-ukulan ng pansin ang Chacha.

Binatikos nang todo ni Matula ang liderato ng Kamara dahil sa “hell-bent effort to amend restrictive economic provisions in the 1987 Constitution amid the raging fight against COVID-19 pandemic”.

Ipinaalala ni Matula kay Velasco at mga kasapakat nito sa Chacha na matagal nang nanawagan at ipinaglalaban ang pagbabago ng Saligang-Batas, na hindi ito ang tamang solusyon sa hindi mainam na kalagayan ng mga manggagawa.

“The money for the charter change campaign should be appropriated for ayudang sapat para sa mga manggagawang nalaglag sa trabaho o kung may trabaho man ay ‘di nakakapasok sa trabaho,” birada pa ni Matula.

Ayon pa sa beteranong lider-manggagawa na tahasan ang pagtutol sa Chacha, “First, on procedure, the alleged political ‘consensus’ in the House has no counterpart support in the Senate. Under Article XVII of the Constitution, without the upper chamber, such initiative is already dead on its track before moving an inch. Second, such initiative does not reflect the utmost welfare of the Filipino people nor considered the health and safety of our citizens in this time of pandemic”.

Idiniin ni Matula na hindi kagyat at lalong hindi mahalaga sa kasalukuyan ang pagbabago sa Konstitusyon. (NELSON S. BADILLA)

113

Related posts

Leave a Comment