INARESTO ng kanyang kabaro ang isang jailer dahil sa kapabayaan sa trabaho makaraang matakasan ng preso at hindi ini-report ang insidente sa Caloocan City.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Anthony Aberin, ang pulis na may ranggong staff sergeant, ay dinakip noong Martes dakong alas-10:00 ng umaga sa Samson Road, Barangay 8, sa nasabing Lungsod.
Napag-alaman, natakasan ng isang person under police custody ang nasabing jailer sa detention facility ng Caloocan City Police Sub-Station 6 noong Hunyo 8, at nadiskubre lamang nitong Martes.
Matapos tingnan ang record, lumitaw na ang nasabing jailer ang siyang naka-duty nang mangyari ang insidente ngunit hindi nito ini-report ang nasabing pangyayari.
(TOTO NABAJA)
