HINDI PAPATULAN NG MAKABAYAN ANG PAKANANG DEBATE NI GEN. PARLADE

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Matagal nang binabato ng putik ang mga kinatawan sa Kongreso mula sa Makabayan ukol sa pagiΒ­ging rebeldeng komunista umano ng mga ito, at hindi na bago ang hamon ni General Antonio Parlade ng isang debate.

Ilang beses nang napatunayan sa mga korte na hindi totoo at walang batayan ang akusasyon na ang Bayan Muna at iba pang mga progresibong partido sa ilalim ng Makabayan ay mga rebelde na nais pabagsakin ang gobyerno. Kung ating maaalala noong 2006, kinasuhan ng rebelΒ­yon ang mga kinatawan ng Makabayan sa Kongreso ngunit ito ay mabilis na binalewala ng korte. Nang hindi umepekto ang kasong rebelΒ­yon, kinasuhan naman ng mga gawa-gawang kaso ng murder ang apat na kinatawan sa party-list, ngunit, muli itong binalewala ng korte.

Ngayon, muling ibinabalik ang usapin ni Gen. Parlade at nagpapakalat ng kasinungalingan na ginaΒ­gamit ng mga kinatawan ng Makabayan ang pera ng bayan para umano sa armadong pag-aaklas. Ngunit, sa 18 taong paghalal sa Bayan Muna sa Kongreso ay hindi nila nakitaan ni isang kuΒ­sing na ebidensya upang patunayan ang kanilang paratang.

Ang totoo ay makailang-ulit nang kinasuhan at napatunayang nagkasala ng graft and corruption, tortyur at paglabag sa karapatang pantao, pagkasangkot sa ilegal na droga, pagpatay, kidnapping, at iba pang mga krimen ang marami sa mga heneral. Nito lamang ika-30 ng Marso 2019 ay pinatay, ala-tokhang, ang 14 na magsasaka sa Negros Oriental sa isang operasΒ­yon ng militar at pulis. Sila ang tunay na magnanakaw at mamamatay-tao.

Si Parlade rin ang nagΒ­luto ng Red October Plot noong 2018β€”na hindi naman nangyari.

Hindi papatulan ng BaΒ­yan Muna at ng Makabayan ang pakanang debate ni Gen. Parlade, na nais lamang makipagbatuhan ng putik sa telebisyon. Tanging si Gen. Parlade lamang ang makikinabang sa publicity stunt na ito, dahil alam niya na sa tunay na korte, walang kuwenta ang kanyang mga paratang. (Kakampi Mo ang Bayan / TEDDY CASIΓ‘O)

375

Related posts

Leave a Comment