Hindi sa personalidad KANDIDATO PILIIN BASE SA PANININDIGAN SA ISYU – COMELEC

PINAYUHAN ng Commission on Elections ang mga botante na pumili ng kandidato sa 2025 elections base sa kanilang paninindigan sa mga isyu hindi base sa kanilang personalidad.

Binanggit ni Comelec Chairman George Garcia ang kahalagahan na obserbahan ang mga kandidato sa panahon ng kampanya at alamin ang kanilang pananaw sa mga problema ng bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Garcia hinggil sa tanong kung maaaring pilitin ng poll body ang mga kandidato na dumalo sa mga debate para sa 2025 elections.

Inulit ni Garcia, walang batas na nagre-require sa mga kandidato na makilahok sa mga debate, ngunit lahat ng mga kandidato ay dapat atasan na iprisenta ang kanilang plataporma sa harap ng publiko.

Aniya, dapat may karampatang parusang disqualification sa pagtangging dumalo sa election debates.

“Yun po, kailangan sana namin ng batas sa bagay na ‘yan”, sabi ni Garcia.

Sinabi rin niya na ang pagpasa ng batas na mag-uutos sa mga kandidato na dumalo sa mga debate ay isang paghahanda para sa halalan sa 2028.

Nauna niyang sinabi na ang Comelec ay maaaring mag-endorso ng mga debate na pangungunahan ng mga media outlet. (JOCELYN DOMENDEN)

7

Related posts

Leave a Comment