HOLDAPER TIKLO SA CP LOCATOR

NATUNTON at nadakip sa pamamagitan ng cellphone locator ang isang 42-anyos na driver habang pinaghahanap pa ang tatlong kasamahan nito makaraang holdapin ang isang Korean grocery store sa Gen. Trias City, Cavite.

Kinilala ang arestadong suspek na si Alejandrino Llena, may asawa, habang pinaghahanap ng pulisya ang tatlo nitong mga kasamahan.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-12:17 ng hapon noong Sabado nang holdapin ng mga suspek ang Banggrae Korean Grocery sa Brgy. Bacao 2, Gen. Trias City, gayundin ang mga kustomer nito.

Gayunman, natunton ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek sa pamamagitan ng locator ng isang cellphone na tinangay na naging dahilan ng pagkakaaresto kay Llena. (SIGFRED ADSUARA)

209

Related posts

Leave a Comment