HOLIDAY CHEER HATID NG JOLLIBEE

IPINAKALAT ng Jollibee ang holiday cheer sa pamamagitan ng paglulunsad ng kanilang mga bagong Christmas Treats sa Dessert Museum, Pasay City, noong Nobyembre 5, 2025.

Kabilang sa mga bagong handog ng paboritong fast-food chain ang Iced Vanilla at Iced Caramel Coffees, creamy Coffee Floats, at ang chocolatey Rocky Road Sundae na gawa sa KITKAT® — mga pampatamis na siguradong magdadala ng saya ngayong kapaskuhan.

Ayon sa Jollibee, ang mga treat ay available sa limitadong oras sa mga piling branch sa buong bansa simula sa halagang PHP 60 lamang.

Layunin ng kampanya na maghatid ng kasiyahan sa bawat Pilipino — maging sa barkada hangout, office break, o family bonding ngayong holiday season.

Sa naturang launch event, nag-enjoy ang mga bisita sa interactive dessert installations at free tasting ng mga bagong produkto, habang pinaalalahanan ng Jollibee na “mas masarap ang Pasko kapag may kasamang matamis na ngiti.”

(Danny Bacolod)

54

Related posts

Leave a Comment