BALAK ng gobyerno na i-ban ang home quarantine para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng mga tahanan.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, mahalagang mailabas ng bahay ang mga may virus para na rin sa kaligtasan ng kanilang pamilya.
At para naman aniya sa mga may kaya sa buhay ay mayroong COVID hotels kung saan pwede silang mag-isolate.
Mayroon din namang exemptions sa measure, kabilang dito ang matatanda na ‘di na pwedeng mailipat sa quarantine facilities sa kanilang mga lokalidad.
Tinatalakay na aniya ng National Task Force against COVID-19 ang measure at target na maipatupad ngayong linggo.
Subalit, ang paglilinaw ng Kalihim ay kailangan pa rin itong aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. (CHRISTIAN DALE)
