HOMICIDE SUSPECT, TIMBOG SA PNP-AKG-LFU

NADAKIP ng mga operatiba ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group Local Field Unit, sa pangunguna ni P/Col. Villaflor S. Bannawagan, sa direct supervision ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, director ng PNP-AKG, ang isang homicide suspect sa Malate, Manila alas-8:45 ng gabi noong Biyernes, Disyembre 11.

Kinilala ang suspek na si Marvin Sion y Aleligay alyas “Dodong,” suspek sa kasong pagpatay sa biktimang si Rene Estominos y Fig-Ao sa Brgy. Nasunogan, Dao, Capiz noong Marso 6, 2011.

Ayon sa ulat ng PNP-AKG, ang suspek na itinuturing na no.9 most wanted peron (provincial level) ay nadakip sa Lot 30, Block 8, Zone 78, Balingkit St., Barangay 712, Malate, Manila sa bisa ng warrant of arrest makaraan ang ikinasang surveillance operations.

Kasama ng PNP-AKG-LFU sa isinagawang operasyon ang mga operatiba ng CIDG-DSOU at DAO MPS.

Napag-alaman, pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta sa kamatayan nito. (JESSE KABEL)

151

Related posts

Leave a Comment