PUNA ni JOEL O. AMONGO
PINUNA ni Davao City Rep. Isidro Ungab na lumalagpas na rin sa kanilang kapangyarihan ang mga miyembro ng Bicameral Conference Committee dahil nag-aamyenda ang mga ito ng batas sa pambansang pondo na hindi na idinaraan sa regular na proseso.
Ito ang isiwalat ni Davao City Rep. Isidro Ungab sa kanyang privilege speech kamakailan kaugnay ng mga nakalkal na ilegal na ginawa umano ng mga miyembro ng Bicam sa 2025 national budget na pinaniniwalaang labag sa saligang batas o unconstitutional.
Ayon sa dating chairman ng House Committee on Appropriations at Ways and Means Committee, lubhang nakababahala ang paghawak ng mga miyembro ng Bicam sa dalawang mekanismo sa pagpopondo na kinabibilangan ng Accounts in the General Fund (SAGF) at Use of Income in the General Fund (UIGF) mula sa makokolektang buwis at iba pang kita ng gobyerno.
“In my 15 years serving in Congress, this marks the first time that items under Automatic Appropriations have been amended by a Bicameral Conference Committee,” ayon sa beteranong mambabatas.
“These unprecedented changes raise serious constitutional questions and have profound implications for government operations and the welfare of every Filipino,” dagdag pa ni Ungab, kaya tatayo ito sa plenaryo ng Kamara ngayong araw para i-challenge ang bagay na ito.
Lumalabas na binago ng mga miyembro ng Bicam sa 2025 national budget ang automatic appropriations na posibleng labag sa saligang batas dahil hindi tulad ng General Appropriations Act, ay hindi na kailangan ang congressional approval dito.
Ayon pa kay Ungab, “Both SAGF and UIGF fall under this protected category, making the bicameral committee’s alterations a potential breach of established budgetary procedures and constitutional provisions.”
Kaya, ilalatag umano nito sa plenaryo ng Kamara ang mga sumusunod:
• Detailed analysis of specific alterations made to SAGF and UIGF allocations appropriations
• Constitutional and legal implications of modifying automatic appropriations
• Potential impact on essential government services and programs
• Recommendations for corrective legislative action
Magugunita na si Ungab, kasama sina dating pangulong Rodrigo Duterte at Atty. Vic Rodriguez ay isiniwalat ang mga anomalya sa 2025 national budget matapos matuklasan ang ‘blank’ items na inaprubahan sa Bicam at niratipikahan sa dalawang kapulungan subalit nilagyan ng halaga pagkatapos.
Inakyat nina Ungab at Rodriguez ang usapin sa Korte Suprema para ipadeklara bilang unconstitutional ang Republic Act (RA) No. 12116, o General Appropriations Act (GAA) of 2025.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa operarioj45@gmail.com.
