HUMAN RIGHTS LAW HADLANG SA PAG-UNLAD – SOLON

human44

(NI BERNARD TAGUINOD)

LAHAT ng pagsisikap ng Duterte administration na paunlarin ang bansa sa pamamagitan ng mga imprastraktura at programa ay mababalewala kapag itinuloy umano ang mga polisiya nito ukol sa karapatang pantao.

Ito ang babala ni Albay Rep. Edcel Lagman kaugnay ng mga panukalang ibalik ang parusang kamatayan, ibaba ang edad na parurusahan ng batas, pagbuhay sa anti-subversion law at paglalakas sa Human Security Act.

“If the human, civil, and political rights of the people, the much intended beneficiaries of development, are derogated and denied, development would be a farce and far-fetched,” ani Lagman.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil isinusulong pa rin ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ibalik ang parusang katamayan sa bansa at ibaba sa 12 anyos ang criminal responsibility.

Maliban dito, binubuhay ng mga kaalyado ng Pangulo ang  pagpapalakas sa Human Security Act, at ibalik ang Anti-Subversion Law na tatapos o papatay aniya demokrasya sa bansa.

Nangangamba ang mambabatas na kapag tuluyang inalis ang mga safeguard para sa karapatang pantao sa human security act ay lalagap ang pang-aabuso sa hanay ng mga otoridad dahil maaari na nilang tiktikan ang sinuman.

“Revival of the Anti-Subversion Law will violate the constitutional guarantees on freedom of association, freedom of speech and dissent, and peaceable assembly for redress of grievances,” ayon pa kay Lagman.

 

199

Related posts

Leave a Comment