HUSTISYA AGAD MAKAKAMIT NG PAMILYA DAYANG – PNP

NANGAKO ang Pambansang Pulisya ng agarang paglutas sa pagpaslang kay Juan “Johnny” Dayang, isang batikang mamamahayag na binaril sa kanyang bahay sa Kalibo, Aklan.

Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tiniyak ng PNP na makakamit ng pamilya ang hustisya kay Dayang na haligi sa pamamahayag sa bansa at President Emeritus ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI).

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang buong PNP sa pamilya ni Dayang.

“Kami ay mariing kumokondena sa karumal-dumal na krimeng ito,” ani PNP Chief, PGen Rommel Francisco D. Marbil. “Si Ginoong Juan ‘Johnny’ Dayang ay hindi lamang respetadong mamamahayag, kundi isang haligi ng media sa ating bansa. Dagdag nito.

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang PNP sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at iba pang ahensya upang agad matukoy at madakip ang mga nasa likod ng pamamaslang.

Kasabay nito, ipinapaabot din ng PNP ang pakikiisa sa panawagan ni PTFoMS Executive Director Undersecretary Jose Torres Jr., at ang buong suporta nito sa media community.

Ang pagkamatay ni G. Dayang ay hindi lamang trahedya sa kanyang pamilya at mga kasamahan, kundi isang mabigat na dagok sa malayang pamamahayag sa bansa.

(TOTO NABAJA)

10

Related posts

Leave a Comment