IATF KINALAMPAG SA DISENYO NG BACKRIDER SHIELD

MULING umapela si Senador Christopher Bong Go sa Inter-Agency Task Force (IATF) at National Task Force COVID-19 na pag-aralang mabuti ang iba’t ibang disenyo na maaaring ipagamit sa motorcycle backriding.

Ipinaliwanag ni Go na hindi dapat madaliin ang pag-apruba sa anomang disenyo dahil kailangang pag-aralan itong mabuti lalo na at buhay at kaligtasan ng tao ang nakataya.

Kasabay nito ay nanawagan ang mambabatas sa mga concerned agency na pakinggan din ang hinaing ng mga motorcycle rider gayundin ang opinyon ng safety experts upang mabigyan ng mabisang solusyon ang sambayanan at hindi dagdag na konsumisyon sa masalimuot nang COVID-19 pandemic.

Samantala, nanawagan din si Go sa publiko na kahit mayroon nang mga opsyon para sa transportasyon, dapat manatili pa rin sa bahay kung hindi naman talaga kailangang lumabas para makaiwas sa tumataas na bilang ng pagkahawa sa COVID-19. (NOEL ABUEL)

168

Related posts

Leave a Comment