IBALIK ANG LEGAL, SUGPUIN ANG ILLEGAL E-SABONG!

ILANG buwan na rin mula nang tuluyang ipasara ng Duterte administration ang operasyon ng electronic sabong (e-sabong) sa Pilipinas.

Kilala rin ito sa tawag na online sabong.

Mula nang mamayagpag ito, aba’y dumami ang mga pekeng sites.

Ginaya ang e-sabong sites ng Pitmaster Live ni Boss Charlie “Atong” Ang.

Ang masaklap, nang magkaroon ng kontrobersiya, ang legal na sites ang tinanggal.

Kung sino pa ‘yung nagbabayad nang maayos ng tax sa gobyerno at nagdo-donate ng bilyun-bilyon sa iba’t ibang sektor ay siya pang ipinasara.

At nang mawala na nga ang Pitmaster Live o legal na e-sabong sites, nanatili naman ang illegal operators.

Kamakailan nga, dinampot ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Games and Amusements Board (GAB) at apat na iba pa bunga ng illegal operation daw ng online sabong.

Sinasabing nasakote ang mga suspek ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) habang nanonood ng e-sabong sa isang kainan sa lungsod ng Parañaque.

“May nakita kaming ID taga-GAB ng Parañaque, eh ‘yun ang iniimbestiga namin kung bakit siya nandu’n. Ang katwiran niya is kumakain lang siya du’n. Sabi ko, taga-GAB ka, dapat kayo ‘yung nagbabawal d’yan kasi alam n’yo namang bawal ‘yung online sabong,” wika ni PNP-CIDG Southern Metro Manila chief, Police Lieutenant Colonel Mark Gatdula.
Sabi nga, matindi ang operasyon ng sindikato.

Aba’y nagsisilbi ring istasyon daw ng pustahan ang kainan na iyon.

Doon daw kasi nakita ang mga paraphernalia na may kaugnayan sa sugal.

“Pinapasahan sila ng link, pinakita rin sa amin sa video through cellphone na mayroon ngang link na pinapasa,” sabi ni Gatdula.

Ang hindi lang daw nila alam, kung saan ‘yung mismong operasyon nu’ng sabong kasi masyadong secluded ang lugar.

Malamang ‘yung mga nahuli nila ay mga talpakero lang din talaga.

Nawa’y masugpo nang tuluyan ang sindikatong ito.

Abangan!

489

Related posts

Leave a Comment