IKA-127 ANIBERSARYO NG MALOLOS CONGRESS GINUNITA

PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang paggunita ng Ika-127 anibersaryo ng Kongreso ng Malolos sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos noong Lunes, Setyembre 15.

“Nawa’y tiyakin natin na ang mga biyaya at yaman ng ating lalawigan ay nagagamit nang wasto para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Bulakenyo, dahil ang kalayaan ay walang kabuluhan kung hindi ito kaakibat ng pananagutan at pakikiramay.”

Ito ang mensahe ni Sandiganbayan Associate Justice Theresa V. Mendoza-Arcega, ang panauhing pandangal sa nasabing pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa Unang Kongreso ng Pilipinas na nagsilang ng unang Konstitusyon ng Malolos sa Asya.

Ang mahistrado, na buong pagmamalaking nagmula sa Bulacan, ay nagbigay-diin sa kanyang pagtitiwala sa integridad ng mga pampublikong lingkod at pinaalalahanan ang mga pinuno ng kanilang pananagutan sa mga tao.

“Ako po bilang isang Bulakenyo, at bilang isang mahistrado, ay naniniwala at patuloy na umaasa sa katapatan ng atin pong mga lingkod bayan. Kung mayroon mang iba na naligaw ng landas, hindi po dapat makasira sa kabuuan ng mga lingkod bayan lalo na sa lalawigan ng Bulacan,” wika ni Arcega.

Samantala, nanawagan si Gobernador Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo na kumuha ng inspirasyon mula sa mga sakripisyo ng Kongreso ng Malolos, sa pagharap sa mga hamon sa kasalukuyan.

“Noon, ipinaglaban nila ang kalayaan mula sa dayuhang mananakop. Ngayon, tungkulin naman nating ipaglaban ang kalayaan mula sa kahirapan at sa katiwalian, mga suliraning humahadlang sa ating pag-unlad,” pahayag ni Fernando.

“Ako po bilang isang Bulakenyo, at bilang isang mahistrado, ay naniniwala at patuloy na umaasa sa katapatan ng atin pong mga lingkod bayan. Kung mayroon mang iba na naligaw ng landas, hindi po dapat makasira sa kabuuan ng mga lingkod bayan lalo na sa lalawigan ng Bulacan,” ani Arcega.

Sinamahan si Associate Justice Arcega nina Gob. Fernando, Vice Governor Alexis C. Castro, City of Malolos Mayor Christian D. Natividad, PBGen. Ponce Rogelio I. Penones, Jr., Regional Director ng Police Regional Office 3.

Sa temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan,” nagsimula ang programa sa isang seremonya ng paglalagay ng korona sa dambana ni Unang Pangulong Emilio Aguinaldo na pinarangalan ang mga kontribusyon ng mga ninuno ng kalayaan ng Pilipinas.

(ELOISA SILVERIO)

135

Related posts

Leave a Comment