IKA-127 ARAW NG KALAYAAN GINUNITA SA CAVITE

MAGKASABAY na ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Bayan ng Kawit at Lungsod ng Imus sa lalawigan ng Cavite.

Pinangunahan ito nina Chief Justice Alexander Gesmundo, Congressman Jolo Revilla, ang ilang pamilya ng Aguinaldo sa bayan ng Kawit, at Regional Director PBGen. Paul Kenneth T. Lucas na nanguna sa pagpapanatili ng seguridad sa pagdiriwang ng naturang okasyon, at iba pang mga opisyal mula sa iba’t ibang bayan.

Sa Alapan, Imus City, Cavite pinangunahan naman nina Mayor Alex A. Advincula at Vice Mayor Homer T. Saquilayan ang pagtaas ng pinakamalaking Watawat ng Pilipinas bilang pagpupugay sa Araw ng Kalayaan.

Dinaluhan din ito ng mga NGO, kabataan, pulisya, at iba’t ibang organisasyon na nakiisa sa pagdiriwang at sabay-sabay na iwinagayway ang hawak nilang bandila.

(SIGFRED ADSUARA)

29

Related posts

Leave a Comment