ILANG LALAWIGAN BINAHA

BINAHA ang ilang lugar sa Pampanga, Bataan at Tarlac, kasunod ng nangyaring malakas na ulan dulot ng localized thunderstorms sa nasabing mga lugar.

Nagsimula ito ng Martes ng gabi habang ang ilan naman ay naramdaman Miyerkoles ng umaga.

Ganyang sitwasyon din ang naranasan sa Capas, Tarlac.

Malakas din ang pag-ulan sa Mariveles, Bataan at nagkaroon ng flashfloods sa ilang lugar sa naturang bayan.

Humupa rin ang baha makalipas ang ilang oras.

Nakaranas naman ng buhawi ang ilang residente sa Hermosa, Bataan na nagdulot ng pagkasira ng ilang pananim at halaman sa Hermosa pero wala namang buhay na nadisgrasya.

Ayon sa PAGASA-Clark, walang ibang weather system na namonitor sa Central Luzon maliban sa naranasang mga pag-ulan na dala ng localized thunderstorms. (CATHERINE CUETO)

220

Related posts

Leave a Comment