SWAK: Masaya na ang mga taga-MMFF sa kinita ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Ilang milyon lang naman ang lamang ng nakaraang taon, kaya itinuturing pa rin nilang successful ito.
Ang pinaghahandaan na nila ngayon ay ang Summer Metro Manila Film Festival.
Hindi raw nila ini-expect na kagaya rin ng katatapos na MMFF ang kikitain nito.
Masaya na raw sila kung maka-500M ang walong pelikulang kalahok.
Pahayag ng General Manager ng MMDA na si Jojo Garcia; βItong ating Summer festival 2020, kung matatandaan nyo ang nag-initiate si Sen. Bong Go, ang nagrekomenda na pinayagan ng Execom.
βWeβre hoping na sana makatulong sa industriya. Weβre not expecting a billion sales definitely. Pero weβre expecting at least kalahati 500Mβ¦will really help the industry.
βIyun naman talaga ang purpose namin talaga sa Metro Manila Filmfest to help the industry, itong pelikulang Pilipino.β
BILIS MAG- MOVE ON NI KIRAY; MAS GUWAPO ANG BF NGAYON
SEE: Ang daling nakapag-move on ng komedyanteng si Kiray Celis pagkatapos niyang makipag-break sa una niyang boyfriend na dati niyang partner sa negosyo nilang restaurant.
Ikinuwento niya sa nakaraang mediacon ng pelikulang DβNinang ng Regal Films na nakipag-break na siya sa dating boyfriend at ibinenta na raw niya ang share niya sa negosyong iyun dahil hindi naman daw siya kumportable na partner pa rin niya saΒ negosyo ang ex-boyfriend.
Ngayon ay proud siya sa bagong boyfriend na mas guwapo raw sa ex niya.
βGuwapo talaga ang boyfriend ko ngayon. Very proud ako,β pagmamalaki niya.
Kaibigan daw ito ng kapatid niya at magkalaro pa raw sila sa Mobile Legends, hanggang sa nagkadebelopan.
Pero ang isa pa sa ipinagmamalaki ni Kiray ay hanggang ngayon ay virgin pa rin daw siya.
Wala raw talagang churvahan sa dating boyfriend kahit tatlong taon na ang kanilang relasyon. Pati sa bago niya ngayon, na delicious pa naman.
βWala po talaga. Malakas po ang mens ko ngayon,β bulalas ni Kiray.
βHindi naman porkeβt mag-boyfriend kayo ganun na kayo? Hindi naman kailangan yun eh.
βHindi naman lahat ng taoβ¦hinihiling naman yun. Yung iba marespeto talaga.
βAyoko pa eh!β sabi pa ng Kapuso comedienne.
MATATAGALAN PANG MAGING BAHAGI SI AI AI NG ALL OUT SUNDAYS
SWAK: Pinanood ni Aiai delas Alas ang pilot episode ng All-Out Sundays na pumalit sa kanilang Sunday Pinasaya.
Ang obserbasyon niya; βParang nanganganay pa naman sila. Pero hoping na magi-improve siya as the days go by.β
Medyo nanibago nga raw siya na apat na taon din siyang may trabaho tuwing Linggo, at ngayon ay nasa bahay na lang siya nanonood ng AOS.
Pero mukhang magiging bahagi rin daw siya ng All-Out Sundays, pero baka medyo matagal-tagal pa raw.
βSabi nila eh. Pero hanggaβt wala pa naman ako dunβ¦pero sabi ng mga bosses, magiging part ako nung show.
βPero matagal pa. Siguro by summer pa ako,β pakli ng Kapuso comedy queen.
UWAK BAWI SI GAY BENEFACTOR SA HUNK ACTOR
SEE: Waley na! As in binawi ang tatlong motorbike, at tatlong sasakyan sa guwapong hunk actor ng mayamang gay benefactor.
Hindi namin akalaing patola rin pala si hunk actor sa mayamang bading, dahil living in style ito pati ang buong pamilya.
Matagal-tagal din ang kanilang relasyon, pero nang nalaman ni gay benefactor na tila nagkakadebelopan na si hunk actor at ng aktres na kasama niya sa soap, sinabihan niya itong kung itutuloy niya, mas mabuting tapusin na lang ang kanilang relasyon.
May mga panunumbat pa si gay benefactor na kaya ganun na lang ka bongga si aktor at lalong gumanda ang career dahil din sa tulong niya.
Wala raw itong utang na loob!
Pero deretsahang sinabi sa kanya ni hunk actor na wala siyang utang na loob dahil nagagamit naman ang katawan niya.
Kaya biglang binawi ang lahat na mga naibigay at back to dating gawi na si hunk actor.
Pero lingid sa kaalaman ng lahat, meron pang isang bading na nagmamahal nang tunay kay hunk actor na dumudugo ang puso at tahimik na tumatangis.
476 