ILANG PROBINSYA IBABALIK SA GCQ

NAGPAHIWATIG na ang Malakanyang na may ilang probinsya sa bansa ang ibabalik sa general community quarantine mula sa modified general community quarantine sa buwan ng Pebrero.
Ito’y bunsod na rin ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kasalukuyan ay mas makabubuting hindi na muna tukuyin ang mga lugar na isasailalim sa GCQ.

Aniya, bahala na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mag-anunsyo sa bagong community quarantine.

Sa ulat, nagkaisa at pabor ang mga Metro Manila mayor na i-extend ang general community quarantine (GCQ) hanggang katapusan ng February, ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez. (CHRISTIAN DALE)

135

Related posts

Leave a Comment