ILOILO NEGO-KART APRUB SA TRABAHO PARTY-LIST

PINURI ng TRABAHO Party-list ang Department of Labor and Employment at pamahalaan ng Lungsod ng Iloilo sa pagkakaloob ng negosyo karts o nego-karts sa 133 katao.

Sinabi ni Atty. Mitchell Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Party-list, na ang inisyatiba ay isang mahalagang hakbang upang matulungan ang mga walang hanapbuhay na malampasan ang mga pinansyal na hamon, at magbibigay-daan sa kanila upang makapagsimula ng kanilang maliliit na negosyo.

Sang-ayon din sa kanilang plataporma na mabigyan ng upskilling opportunities ang mga Pilipino, ikinatuwa rin ng TRABAHO na ang mga nakatanggap ng nego-karts ay isinailalim sa libreng training sa food handling upang masiguro na ang kanilang mga ibebenta ay ligtas para sa mga mamimili.

Dagdag pa ni Atty. Espiritu, “kung maipatutupad lamang po nang buo ang Magna Carta [for Informal and Ambulant Vendors], magkakaroon ng mas magandang access ang mga maliliit na nagtitinda sa social security, healthcare, at iba pang benepisyo na matagal nang hindi nila nararanasan dahil hindi pormal na estado ng kanilang trabaho”.

Bilang bahagi ng kanilang adbokasiya, ipinahayag ng TRABAHO Party-list ang kanilang pagnanais na palawakin ang mga ganitong inisyatiba sa iba pang mga lalawigan sa buong bansa, lalo na sa mga rehiyon kung saan ang micro at small enterprises ay may malaking bahagi sa lokal na ekonomiya.

“Hindi lang po kapital ang ipaglalaban ng TRABAHO Party-list kundi mga sistemang magbibigay ng pantay-pantay na pagkakataon para sa mga informal workers – na siya ring mapabuti ng kanilang kabuhayan at makamtan ang mas mataas na antas ng social protections,” diin ng tagapagsalita.

Sa huling Stratbase-SWS pre-election survey, ang TRABAHO, bilang 106 sa balota, ay tinatayang makakapasok sa Kongreso matapos nitong tumaas nang tumaas sa ika-26 na pwesto.

31

Related posts

Leave a Comment