IMEE AT VP SARA, PLASTIKAN LANG

GANITO inilarawan ng tagapagsalita ng Kabataan party-list ang mga political ads ni Senadora Imee Marcos-Manotoc na kung saan inendorso ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang reelection bid.

“Imee needs Mindanao votes to save her Senate seat. Sara needs Senate votes to save her VP seat from conviction and for better chances to become president in 2028. This is about revenge and ambition, not service for the nation,” tinukoy ni Atty. Renee Co, tagapagsalita ng nasabing grupo.

“May temang itim ang kinabukasan ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ang bagong political ads ni Marcos na ngayon ay nanganganib na hindi makapasok sa Magic-12 sa Mayo 12, 2025 election,” ani Atty. Co.

Ayon dito, ginagamit umano nina Marcos at Duterte ang galit ng mga botante, lalo na ang mga taga-Mindanao na Sawa na sa pamumulitika, para umano sa kanilang ‘hidden agenda’.

“Itim ang kinabukasan sa UnITIM 2.0 nina Imee at Sara. Ang kailangan natin ay hindi ‘unity’ o ‘alyansa’ ng mga naghaharing dinastiya, kundi unity ng ordinaryong Pilipino para sa tunay na pagbabago. Kaya huwag ITIM, huwag Iboto ang Trapong si Imee Marcos,” giit pa ni Co.

Tila pinagtawanan naman ni House Deputy Minority Leader France Castro ang political ads nina Marcos at Duterte na tinawag niyang “sanib-pwersa ng kasamaan at kadiliman.”

“Natatawa ako kasi sino ba ang ugat ng gutom, ekonomikong krisis at dilim ng kawalang hustisya sa kasalukuyan? Hindi ba silang #unITIM?,” pahayag ni Castro.

Taliwas ang political ads ni Marcos sa unang sinabi ni Duterte na hindi ito mag-eendorso ng kandidato ngayong 2025 election upang hindi muling ma-scam.

“Imagine, kapag sila ulit. Silang dahilan bakit tayo nasa dilo ngayon. ITIM nga talaga, parehong maitim ang budhi!,” dagdag pa ng mambabatas.

(PRIMITIVO MAKILING)

43

Related posts

Leave a Comment