IMEE: DEBT MORATORIUM SUPORTADO NI POPE FRANCIS

KAHIT si Pope Francis ay nananawagang ipagpaliban muna ng Pilipinas ang pagbabayad sa mga pagkakautang nito bunga na rin ng kinakaharap na malaking problema ng taumbayan dahil sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos kung saan hindi lamang aniya ang Simbahang Katolika na pinamumunuan ni Pope Francis ang pabor sa debt moratorium kundi pati na rin ang mayayamang bansa at malalaking institusyon sa pagpapautang dahil sa nangyayaring pandaigdigang krisis.

Aniya, lumalabas na salungat o kontra sa paniniwala ni Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez III ang posisyon ni Pope Francis hinggil sa usapin ng debt moratorium sa kabila ng malalang problema ng Pilipinas sa COVID-19.

“Ang hinihingi lang natin ay i-delay ang pagbabayad ng ating utang. Wala tayong susubain at hindi natin tatakasan ang ating obligasyon. Magbabayad din tayo. Hindi ba maintindihan ni Secretary Dominguez yan?” pahayag ni Marcos.

Nilinaw ni Marcos na ang panawagan ng International Monetary Fund, World Bank at Asian Development Bank na magpatupad ng debt moratorium sa 75 bansang mahihirap ay kabilang ang Pilipinas. NOEL ABUEL

203

Related posts

Leave a Comment