Impeach Sara political persecution – Pulong NGITNGIT NG TAUMBAYAN MATITIKMAN NG MARCOS ADMIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MISTULANG binalaan kahapon ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang administrasyong Marcos Jr. sa aksyon ng Kamara na tuluyang i-impeach ang kapatid niyang si Vice President Sara Duterte.

Ayon sa mambabatas, galit at nababagabag siya sa motibong pulitikal ng mga nagsusulong ng pagpapatalsik sa Bise Presidente.

Giit niya, ang administrasyong ito ay gumagawa ng mapanganib na hakbang.

Binanggit din niya ang kamakailang rally ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo. Kung hindi aniya natinag ang mga kontra kay VP Sara sa mahigit isang milyong taga-suporta ng INC na nag-rally, bulag ang mga ito na patungo sila sa mas malaking problema.

Kung inaakala aniya ng administrasyong Marcos na maisusulong nila ang tinawag niyang “pekeng impeachment” nang walang kaparusahan, nagkakamali ang mga ito.

Basahin ang bahagi ng statement ni Rep. Duterte:

“I am appalled and enraged by the desperate and politically motivated efforts to railroad the impeachment of Vice President Sara Duterte.

The sinister maneuvering of certain lawmakers, led by Rep. Garin, to hastily collect signatures and push for the immediate approval and transmittal of this baseless impeachment case is a clear act of political persecution.

This administration is treading on dangerous ground. If they were unfazed by the over one million rallying supporters of the Iglesia Ni Cristo, then they are blindly marching toward an even greater storm—one that could shake the very foundation of their rule.

The Filipino people will not sit idly by as this government undermines democracy and silences opposition through fabricated accusations.

If the Marcos administration thinks it can push this sham impeachment without consequence, they are gravely mistaken.

This is not just about VP Sara Duterte—this is about the will of the Filipino people. The growing discontent and frustration across the country will not be contained for long. Mark my words: this reckless abuse of power will not end in their favor.”

Matatandaang pinatutsadahan din kamakailan ni dating Palace spokesman Atty. Salvador Panelo ang administrasyong Marcos Jr. ng paggamit ng maruming pulitika laban sa mga Duterte.

Sa isang pahayag sa kanyang programa sa SMNI kamakailan, sinabi ni Panelo na “dirty politics” ang pagtanggal kay Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng National Security Council (NSC).

Aniya pa, ang pagtanggal sa mga dating pangulo sa NSC kabilang na si dating pangulong Rodrigo Duterte ay para pagtakpan o paraan lamang upang magmukhang hindi si VP Duterte ang target ng reorganisasyon.

5

Related posts

Leave a Comment