MONEY MAN ni Victorino O. Vasco III
Ano ibig sabihin ng Credit Line?
• Ang credit line ay isang uri ng utang sa Bangko para pang pondo sa capital ng negosyo. Sa ingles – working capital requirement.
• Ang credit line ay maaring gamitin sa loob ng isang taon.
• Pwede siyang bayaran agad at kunin muli ng ilang beses sa loob ng isang taon. Hindi siya dapat lalagpas sa itinakdang halaga ng Credit Line.
Paano gamitin ang Credit Line?
• Ginagamit siya ng mga negosyante para maitawid ang pagbabayad sa mga supplier at pang pondo sa stocks o imbentaryo habang nag-aantay ng koleksyon sa mga naibentang produkto o nagawan ng serbisyo.
Gaano katagal babayaran ang utang mula sa Credit line?
• Mayroong sukatan o batayan para malaman kung gaano katagal pwedeng kunin o bayaran ang isang utang mula sa Credit Line. Halimbawa:
Negosyo: Wholesale/trading
15 araw – Itatagal ng supply o imbentaryo.
30 araw – takdang singil sa mga suki o mamimili.
7 araw – takdang bayarin sa supplier.
o 15+30-7 = 38 na araw para maging pera ang paninda at imbentaryo o operating cycle o gap sa ingles.
o 38 araw – dapat ganyan katagal o mas higit pa ng konti ang nakatakdang araw para maibalik ang utang sa bangko (maturity date of the loan).
Pamantayan kung magkanong Credit Line ang pwedeng ibigay sa mga negosyante.
• Mayroong ginagamit na basehan sa pagbibigay ng halaga sa Credit Line sa mga negosyante.
Negosyo: Wholesaler/trading
15 araw – Itatagal ng supply o imbentaryo.
30 araw – takdang singil sa mga suki o mamimili.
7 araw – takdang bayarin sa supplier.
Kunin ang pang-araw-araw na gastusin sa halaga ng pagbebenta. Halimbawa nasa P50,000 isang araw ang gastos.
o 15+30-7 = 38 na araw para maging pera ang paninda at imbentaryo o operating cycle o gap sa ingles.
o 38 araw – dapat ganyan katagal o mas higit pa ng kaunti ang nakatakdang araw maibalik ang utang sa bangko (maturity date of the loan).
o P1,900,000 – ang halagang kailangan para maka-ikot sa Negosyo o working capital requirements. 38 araw x P50,000 (araw gastos sa pagbenta) = P1,900,000. Iyan din ang halaga ng dapat utangin o capital na kailangan sa negosyo sa loob 38 na araw.
