INDIGENT PWDs BIBIGYAN NG P2K MONTHLY SOCIAL PENSION NG SENADO

BIBIGYAN ng Senado ng P2,000 monthly social pension ang lahat ng indigent person with disabilities sakaling maisabatas ang panukalang inihain ni Senador Manuel “Lito” Lapid upang matulungan ang may kapansanan na walang kasalukuyang kita o regular na suporta mula sa kanyang kaanak para sa  mga pangunahing pangangailangan.

Sa pahayag, sinabi ni Lapid na layunin ng Senate Bill No. 1506 na bigyan ng prayoridad ang vulnerable sector tulad ng PWDs na nagdurusa sa kani-kanilang kapansananan resulta ng mental, physical o sensory impairment.

Naniniwala si Lapid na dahil nahaharap sa limitasyon ang naturang sektor sa kanilang functions o aktibidad, nagreresulta ito ng kawalan ng trabaho, kaya’t kailangan bigyan sila ng gobyerno ng sapat na social services.

“Sa panahon na matindi ang pagsubok at kahirapan na pinagdaraanan ng publiko, ‘wag sana natin kalimutan na mas higit na hirap ang dinaranas ng mga kapatid nating may kapansanan. Kailangan nila ng tulong mula sa gobyerno at karapatan din nilang makatanggap ng ayuda para makabili ng mga pangangailangan nila,” ayon kay Lapid.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng indigent PWDs, na beripikado at sertipikado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Council on Disability Affairs (NCDA) ay makatatanggap ng P2,000 monthly social pension.

Aabot sa P2 bilyong piso ang ilalaan sa panukala sa unang taon ng operasyon nito na isasama sa taunang General Appropriations.

“Malaking bagay na may dagdag tulong pinansyal ang ating gobyerno sa mga kapatid nating may kapansanan at walang regular na pinagkukunan ng kita. Inaasahan nating gagamitin ang ayudang ito para ipambili ng kanilang pagkain at gamot kada buwan. Sisiguraduhin din natin na maglalagay ng sapat na pondo ang Kongreso para mapatupad nang maayos at mabilis ang programang ito oras na maisabatas na ito,” giit ni Lapid.

Inatasan ng panukala ang DSWD at NCDA na bumuo ng database ng lahat ng indigent PWDs.

“Renewed efforts must be made to collect comprehensive and accurate information and to update the database regularly,” Aniya.

“There are however, penalties which will be implemented to any PWD or his/her parent, relative or any degree of consanguinity, or any third person who will be found to be deliberately committing any fraudulent act of enrolling a PWD to the program when the said person is not indigent; or when said PWD is already capable of supporting his/her own self as certified by the DSWD,” dagdag naman ni Lapid.

Aabot sa P25,000 pero hindi hihigit sa P50,000 ang multa sa unang paglabag at aabot din sa P50,000 pero hindi hihigit sa P100,000 ang multa sa mga susunod na paglabag.

“The DSWD and NCDA shall annually submit a report to Congress about the status of the implementation of this Act for the purpose of review and recommendation of additional measures necessary for the attainment of the objectives of this Act,” ayon sa panukala. ESTONG REYES

201

Related posts

Leave a Comment