INDONESIAN GOV’T PASOK SA JOLO TWIN BLASTS PROBE

jolo400

(NI LILIBETH JULIAN)

TUMUTULONG na rin ang Indonesian government sa Pilipinas  para mapabilis ang imbestigasyon sa naganap na malagim ng twin bombing sa Jolo, Sulu noong Enero 27.

Sa impormasyon sa Malacanang ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano, sinabi nito na katuwang na ang Indonesian government para matukoy ang pagkakilanlan ng sinasabing mag asawang suicide bombers na may kagagawan ng pagsabog sa Cathedral of Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu.

Una nang lumitaw sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad na Indonesian couple umano ang responsable sa pagsabog sa simbahan na nagresulta sa pagkasawi ng 22 katao at pagkasugat ng higit 100 pa.

Ang impormasyong ito, ayon  kay Ano, ay base na rin sa intelligence report na ipinararating sa kanila ng Intelligence Community.

Nilinaw naman ni Ano na nakahanda pang isailalim sa forensic examination at DNA test ang bangkay na narekober sa blast site para malaman kung talagang Indonesian ang nagpasabog dahil hanggang ngayon ay wala pa ring kumukuha sa mga labi na nakuha.

153

Related posts

Leave a Comment