(NI LILIBETH JULIAN) TUMUTULONG na rin ang Indonesian government sa Pilipinas para mapabilis ang imbestigasyon sa naganap na malagim ng twin bombing sa Jolo, Sulu noong Enero 27. Sa impormasyon sa Malacanang ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano, sinabi nito na katuwang na ang Indonesian government para matukoy ang pagkakilanlan ng sinasabing mag asawang suicide bombers na may kagagawan ng pagsabog sa Cathedral of Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu. Una nang lumitaw sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad na Indonesian couple umano ang responsable sa pagsabog…
Read More