INDONESIAN AT CHINESE GROUPS TINUTUTUKAN NG PNP-AKG

PINATUTUTUKAN ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police–Anti-Kidnapping Group ang posibleng pagkilos ng ilang Indonesian national sa kidnapping for ransom kasabwat ng mga Chinese national na nagpapautang o kaya ay  Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) employees.

Ayon kay PNP-AKG Director P/General Jonnel Estomo, ito ay kasunod ng pagkakaaresto ng kanyang mga tauhan sa dalawang Indonesian national sa magkahiwalay na kaso ng kidnapping sa Makati at Pampanga.

Nitong Hunyo 21, dinakip ng mga tauhan ni Gen. Estomo ang isang Falendra, 26, na kilala rin sa alyas na Parker sa Salamanca St., Barangay Poblacion, Makati kaugnay sa pagdukot sa dalawang babaeng Chinese National na kinilalang sina Xiong Li Fei at pinsan nitong si Wu Xie Pei. Kasangkot umano ni Falendra ang tatlong Chinese national at isang Filipino sa paghingi ng Php 7 million ransom.

Nitong nakalipas namang linggo ay isa pang Indonesian national ang nadakip kasama ng isang Malaysian national sa rescue operation sa Angeles, Pampanga na kinasasangkutan din ng ilang Chinese.

Kaugnay nito, pinapurihan ni Brig. Gen. Estomo ang kanyang mga masisigasig na tauhan partikular si P/Colonel Alex Fulgar sa sunod-sunod na magagandang accomplishment nito at ng kanyang grupo.

“Congratulations to P/Col Alex Fulgar for your legendary performance. AKG is very proud of you,” pahayag pa ng pamunuan ng nasabing PNP elite anti-kidnapping unit.

Magugunitang kamakailan lamang ay isang AWOL na pulis at dalawang kasama nito na luminya sa kidnap for ransom ang napatay ng mga tauhan ng AKG sa Tiaong, Quezon.

Napatay sa law enforcement operation si dating Pat. Rico M Gutierez, Jose P. Alcaria at isang hindi pa nakikilalang kasamahan ng grupo. (JESSE KABEL)

261

Related posts

Leave a Comment