INDUSTRIYA NG PAPUTOK, PINABAGSAK NG PANDEMYA

BULACAN – Aminado ang firecrackers manufacturers na bumagsak din ang bilyong pisong halaga ng industriya ng paputok sa lalawigang ito bunga ng pandemya at mayroon lamang ilang lehitimong negosyante at lisensiyadong tindahan ang nagbebenta ng mga paputok ngunit limitado lamang ang suplay at bahagya rin silang nagtaas ng presyo nito.

Nakumpirmang lubhang naapektuhan ang industriya ng paputok partikular sa bayan ng Bocaue na itinuturing na ‘firecrackers capital’ ng bansa gayundin ang mga pagawaan ng paputok at fireworks design sa bayan ng Baliwag, San Rafael at Sta. Maria bunga ng pandemic ngunit umaasa ang ilang nga negosyante na tataas ang bilang ng mga mamimili ng paputok sa huling apat na araw ng taong ito.

Nabatid na regular na nagsasagawa ng operasyon laban sa kolorum na pagawaan ng paputok ang Bulacan PNP ngunit kumpirmadong ilang negosyante lamang ng paputok at pailaw ang namuhunan sa industriyang ito dahil inaasahan nilang malaking porsiyento ng mga mamimili sa paghihiwalay ng taon ang hindi tatangkilikin ang paputok dahil sa pandemya at paiigtingin ang health protocol.

Gayunpaman, umaasa ang mga negosyante ng paputok na makababawi sila sa susunod na mga panahon ngunit ikinabahala nila na tuluyan nang i-ban ng gobyerno ang paggamit ng paputok at pailaw tuwing maghihiwalay ang taon dahil sa dami ng mga nasusugatan dahil maraming malalakas na uri ng paputok na ipinagbabawal ang nakalulusot pa rin sa merkado. (GINA BORLONGAN)

290

Related posts

Leave a Comment