Inilatag na ng PNP SEGURIDAD SA BBM AT SARA PROCLAMATION

MANANATILING nakataas ang alerto ng Philippine National Police (PNP) hanggang sa makapanumpa sa tungkulin sina incoming President Ferdinand Marcos Jr. at presumptive vice president Sara Duterte.

Ayon sa PNP, inilalatag na ang security plan para sa proklamasyon ng dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa.

Kasunod ito ng proklamasyon ng labindalawang senador nuong Miyerkoles.

Sinabi ni PNP Director for Operations Director Police Major General Val de Leon, nais nilang maging maayos ang transition of power o pagsasalin ng kapangyarihan sa magiging susunod na lider ng bansa.

Bagaman payapa aniya sa pangkalahatan ang eleksyon, mananatili silang nakaalerto at nakabantay sa post-election violence.

Titiyakin din aniya ng PNP na magiging maayos ang transition of power sa mga susunod na lider sa Hunyo 30.

Ang election period ay tatagal hanggang June 9, 2022. (JESSE KABEL)

99

Related posts

Leave a Comment