Iniwan ng mga raliyista BANDALISMO SA MAYNILA

SA kabila ng paulit-paulit na panawagan ng pamahalaang lungsod ng Maynila, muling nag-iwan ng bandalismo ang mga ralyista sa iba’t ibang parte ng lugar sa ikinasang kilos-protesta nitong Nobyembre 30.

Ang pangyayaring ito ay hindi ikinatuwa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, na binigyang-diin na kung sino pa ang mga lumalaban para sa tamang paggamit ng pondo ay sila pa ang umano’y dahilan para ito’y aksayahin.

Giit ni Domagoso, dahil sa ginawang bandalismo sa ikinasang malaking rally ay muli nila itong gagastusan para lamang maipalinis.

Kapansin-pansin ang mga bandalismo sa Maynila partikular sa kahabaan ng Padre Burgos Street, nang mag-umpisang magmartsa ang ilang grupo para sa kanilang kilos-protesta.

Gayunpaman, inihayag ng naturang alkalde na kagyat namang isinaayos at nilinis ang mga ito ng mga tauhan ng city hall sa pamamagitan ng kanilang Department of Engineering and Public Works.

Nilinis at pininturahan ang mga pader sa iba’t ibang mga kalsada kung saan mayroong bandalismong naiwan.

(JOCELYN DOMENDEN)

 

46

Related posts

Leave a Comment